Project #2. simple stove made from tin can, gamit na kalan sa pagluluto sa ating tahanan, sa hiking or camping at sa outing. madaling itago, light weight, madaling hanapan ng fuel sa store. just say: "pabili po ng uling" at madaling makaluto.
Materials:
1.tin can (1800g)
2. chicken wire
3. metal pegs (3pcs)
procedures:
1.maghanap ng empty tin can 1800g hatiin sa tatlong bahagi
2. gamit ang lagari sa bakal at gunting sa yero ay gupitin ang ibabang bahagi ng tin can, tingnan ang larawan, makikita rin ang mga sukat nito see fig.2
3.matapos magupit, ngayon lagariin ang ibabang bahagi ng lata 7.5cm ang taas.
4. ang ibabang bahagi ng lata na nilagari at tinabas, dapat ay ganito. see fig.4
5. gumupit ng pabilog na chicken wire na kasya sa lata. ibutas ang lagayan ng 3 pegs sa lata at ipatong ang chicken wire katulad ng fig.5. finish part ng ibabang bahagi ng lata.
6. lagariin ang itaas nabahagi ng lata see fig.6
7. gupitgupitin ng 2 cm ang taas at itupi.(itaas na bahagi ng lata) see fig.7
8. gumamit ng hammer at pitpitin ito. see fig.8
9. gupitin at putulin ang itaas na bahagi ng lata. bakit? makikita nyu later see fig.9
10.gamit ang negative screw driver butasan hanggang lumusot sa kabila, pagdugsungin ang lata, lagyan ito ng pagitan na 1~2cm at patchehan, see fig.10
11. pamatche na panglagay :
pano gumawa? : gumupit ng 5mm na lata at i-korteng 'T' tulad ng makikita sa larawan. fig.11.
note: maaari rin gamitin ang aluminum revet na binibili sa hardware
12. finish part na itaas na bahagi ng lata see fig.12
13. finish project na light weight coal stove, inyong makikita na ipinatong patiwarik ang itaas na bahagi ng lata, sa ibabang bahagi ng lata see fig 13. ang natirang gitnang bahagi ng lata ay maaaring gamitin na skirt upang ang init ay ma-focus sa ilalim ng kaldero or kawali.(wala sa larawan ang gitnang bahagi ng lata.)
tamang pag-imis: hugutin ang 3 pegs hayaang lumaglag ang chicken wire, isaklob ang itaas na bahagi ng lata na pataob. see fig 14.
mini hihip fan. see fig.15
1. kumuha ng walang lamang lata ng gatas, buksan pareho ang itaas at ibaba ng lata at lagyan ng dinamo ang gitna. ang mini hihip fan ay gamit na pang hihip at pamaypay sa pagpaparikit sa baga at upang mas mapabilis ang pagbibigay ng init. ilagay ito sa bibig ng kalan.
Search Blog
Wednesday, December 15, 2010
light weight coal stove
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment